Thursday, November 19, 2009

Ani ibig sabihin nun?

Nanaginip ako. Akala ko yung natural ng panaginip lang. Katulad ng mga nakaraan kong panaginip, iba-iba yung settings at walang connect yung mga nangyayari in real life. Amp. Okey.
Sisimulan ko na nga.
Ganito kaseh yon.
Starring: G1, G2, G3, G4... oha! yan pa lang ah! At siyempre ako ang bida! Si... well Erna. yun ang namesung ko eh! ^^,
Meron daw tatlong swimming pool. Ayh! mali... apat pala. Magkakataibo yun. Tapos yung isa walang water. Eh di kami mga sabik sa pool gusto na namin tumalon. Nung tatalon na kami. Bigla kaming pinigilan ng isang asungot at sinabing hindi pa daw pwede. Ayh... Ganun... Eh di pumunta kami dun sa loob ng house. Pagpasok ko andun daw si G3. Sabi niya sakin may ipapakilala daw siya sakin. Nagulat ako andun sa swimming pool si... Tanya Garcia. Huwat!? Anung connect! Haha... Ang gulo noh? Pagkatapos daw nun...naputol na. Oh, wala pa tayo sa climax.
Pumunta daw kami, ako... at yung dalawa kong kaklaseng lalaki sa isang memorial park as in sementeryo. Langya nga eh! Ang laki nung gate as in! Eh di may hawak daw ako ng susi na hugis bola. Pero mas maliit ng bonggang-bongga. Diniin ko daw yung dun sa padlock tapos nagbukas. Biglang nagbukas yung gate. Eh di pasok kaming tatlo. Pagkatapos nun nagulantang ako. Kasi yung mga halaman mukhang endangeres! alam niyo un? Yung parang merong nangangain na bulaklak tapos merong mga dahon na pupulot sa leeg mo? Ganun nga. Umayaw ako parang ayoko nang tumuloy! Kaso pinilit daw ako nung dalawang kumag. Wala akong nagawa. Pumasok ako. Pagpasok namin biglang... nagsara yung gate! Dahan-dahan kaming naglakad nang biglang... inatake yung isa kong kaklase at napadikit siya dun sa pader dahil dun sa mga galamay na tawag dun na may mga dahon-dahon? Ganun! Din nagulat ako! Sabi nung isa kong kaklase gamitin ko daw yung susi! Ang ginawa ko yung susi na hugis bola idiniin ko dun sa padlock tapos... biglang nawala na yung mga galamay tapos dali-dali kaming... tumakbo palabas at hindi na bumalik. oOkey. Wala pa rin tayo sa climax at kay G1, G2, G3, at G4. ^^,

Sa school daw..(sabi nang isip ko sa school daw yung pero ang naalala kong setting sa bahay.) May dalawang makukulit na gusto ako. Parang nililigawan daw nila ako. Yun si G1 na kalbo daw at matangkad. Si G2 naman mala-F4 ang buhok at medyo mas close ko daw. Kahit honestly saying, di ko sila kilala. Eh parang may contest sa school na kailangan partners daw ang boy and girl. Anu pa nga ba? Eh di pinag-agawan nila ako! Sabi ko si... G1 na lang. Kaso nag-react si G2... eh di sabi ko siya na lang. Eh ayan sumingit na naman si G1 basta! Parang nabanas ako... kaya... ang naging parter ko ay si... G3! (sa school grounds na yung setting nito). Classmate ko siya in real life. Ayun kami na talaga ang partners. At nawala na sa aking sight yung si G1 at G2. Kaso dahil sa sobrang mainipin kami ni G3 at ang tagal nung turn namin. Nag-decide kami na umuwi. Bago pa ako lumabas nung gate nakita ko si G4 na naglalakad palabas at parang nagdadabog., Yung masama yung loob na parang galit. Eh di hinabol ko siya... Paglabas ko nung gate nung school... (sa labas ng kanto ng bahay namin yung settingn ito. kulet noh? haha!) Sinundan ko siya at hinabol. Sabi ko sa kanya:
"Nu problema mo?" Humarap siya sakin at nagulat ako sa sinabi niya.
"Mahal kita! Pero hindi pwedeng tatlo kaming mahal mo!"
Ako naman nagulantang kasi... crush ko siya in real life. Crush lang!!! And yung tatlong sinasabi niya? Siya...si G1 at G2 yun.
"Hindi pwedeng mangyari na tatlo kayong mahal ko. Siyempre mayroong lamang at merong din least. Pero... gusto mo ba?"
...na maging tayo? Yung ang ibig sabihin ko dun. Hindi siya kumibo at nag-cross arms kami parehas. Pagkatapos nagngitian kami parehas at... nagising na ako kahit walang gumising sakin. Tinignan ko yung cellphone ko kung anong oras na. Alas-kwatro na nun. Nang umaga. Ang date? ika-19 ng Nobyember taong 2009. Hindi na ko nakatulog nun kaya... nag-review na lang ako dahil may exams kami kanina. Langya, dahil dun naseryoso ko talaga yung pag-aaral. Kung siya ba naman inspirasyon ko tapos ganun klaseng panaginip na imposibleng mangyari? Haha! i never really imagined that to happen ah! Hahaha...!

After that dream nung pumasok na ako sa school at nakita ko siya... wala ako weirdong naramdaman. Yung bumilis tibok ng puso ko or what? Wala talaga. Weird noh? Haha!

Well... it was just a dream...

And will never happen in real life.
:)

Wednesday, November 11, 2009

the continuation...

At dahil sa ako'y masyadong maligaya at masiiiiiiiiiiiiiiiiipag. Ngayon lang ang continuation ng aking pagsi-share nung nangyari last October 26 and 27 sa Retreat House sa Tagaytay...
Ano nga ba ulit yung huling nangyare? ah...oo! Yung nagsusulat ako sa aking journal... Actually, while i was writing that...*nosebleed men* medyo... nanghihunayang akuh... sino ba namang hinde? Aba'y ikaw ba naman na isang FRUSTRATED PHOTOGRAPHER na walang dalang camera at hindi mo mapicturan ang mga magagandang moments and scenery eh hindi ka ba manghihinayang?! Sige nga sumagot ka! Sumagot ka! Ayaw mo!??!?!?!... Ayhz! Wareber. Habang aking... tinitigan mabutin ang mga puno't halaman... habang ako ay seryosong nagsusulat sa aking journal... bigla na lang..




"@!#"@!#$&*% KA LUMAPIT KA DITO!!!"



Parang alam ko na... paglingon ko ayh! *hold your breathes*. Well, yung kaklase ko hinahabol yung manok. Manok. As in M-A-N-O-K. WTH?! Haha... Langya talaga toh, parang hindi kami magre-retreat ah. Amp. Maya maya lamang ay nawala na rin siya sa paningin ko... ng biglang...
May nanggulo na naman ng konsentrasyon ko.

"Wow! EMO ka men?!"

Ayun, dumating na ang aking mga kaklase at talaga namang... ginulo ang buhay ko. T_____T
Wala na akon nagawa kundi itigil ang aking pagsusulat at dumaldal kasama nila. Haha... pagkatapos nun lumipat kami ng lugar... dun pa sa may bandang likuran. Kasama na namin nun yung dakilang taga-kuha ng stolen pics namin... si Ma'am Jen.
Kuha naming dalawa ni Ma'am Jen. Well, alam ko mukang ako pa yung teacher. Pero ako po yung studyante at yung teacher yung kasama ko na... maganda! Haha! Pumaag bugbog sa kanya! Woot~! haha... after that picturan parin at... maya-maya pinatawag na rin kami para mag-lunch. Syempre... dahil mga tomguts. Ayun, ang bibilis. Haha... Hati-hati kami sa mga tables. May 3 tables kasi. Bukod pa yung sa teachers huh? Yung mga ka-table ko? Ako, si Suzette, Giselle, Mat, Gladys, Mitchel, Jerwin at Jemuel. Sakot, walo kami. Nag-pray muna tsaka sinimulan ang pagkain. Ako yung taga-hati nila ng kanin para makakuha daw agad ng extra rice. Nakanaman! Extra rice agad noh!? Haha... After kumain... pumunta na sa kanya-kanyang rooms. At ang room namin. Well, ayos naman... Sa second floor kami. Pagpasok mo ng pinto may mga beds na. Dahil ako ay masyadong sabik sa pader. Pumwesto ako dun sa tapat nung pinto... *as in sa tapat...bali nasa paanan ko yung pinto, gets?* At yung mga classmates ko at teachers? Ayun. Ang lalayo nila sa akin! As in! Aba... iwanan ba daw ako? Sabi nila umurong daw ako o lumipat ako ng kama malapit sa kanila. Sabi ko ayoko. At yung room namin? Sige..tignan natin kung maididiscribe ko ng maayos. After nung bed ko... may bed pa na may pagitan bawat isa...i mean spaces. got it? Sa bwat beds na nakahilera after nung bed ko may beds pa sa tapat nun. Pero, hindi ko na alam kung ilan. Ganun din itsura. May spaces rin. Bali, may beds sa left may beds sa right at ang daanan ay sa gitna. Gets? Ganun nga. Ayos naman. Kahit papano. Pero, dahil sa dakilang scientsit yung iba kong classmates. Dun sa hilera nung beds kung saan kami nakapwesto mayroon tigdalawang kabinets sa left and right. Bali pag sinilip mo pa yun. Marami pang beds sa likod. At dahil sa sobra kaming excited. Dun pala talaga kami dapat pumwesto kaya... lumipat na naman kami at super unahan. Pero dahil sa mabagal ako...naman oh! Malapit ako dun sa cabinets... mga isang bed pa tapos yung kama ko... T_____________T walang pader! Amp! huhuhu...


(actually, tong picture na to was taken kinabukasan mga 5 na yata ng umaga.
Yung bed ko yung may bag na green. Nagtataka kayo noh?
Nalipat ako ng bed? May dahilan yan... I-explain ko mamaya.
Gets niyo na talaga yung room namin? Pagkalagpas nung cabinets nandun yung iba pang beds.
At yung DOOR.)

Humiga na ako dun sa kama at nakipagdaldalan sa aking mga classmates. Woot~! Ang saya-saya! Ahahaha... Maya-maya pa... nagkayakagan na maligo. Grr.. Ayoko po maligo! Waaah! T.T Pero dahil sa... feeling ko ako lang yata hindi maliligo napilitan na rin ako. Huhu... Pagkatapos na pagkatapos naming maligo bumaba na kami kasi nandun na daw yung Retreat Master namin. Tama, nandun na nga siya pagdating namin. Nag-start na rin kami. At...at... nakakatakot yung retreat master namin. Very...super... strict. Ang una niyang tinuro sa amin is yung steps para mas makilala namin yung sarili namin. Kung ano ba kami?? Kung sino ba kami. We learned a lot from that pa lang eh. Ang dami na as in... i think, hindi ko ma-share. Pero, parang...kasi napuno ng kaba ako nun kasi natatakot ako at kami sa kanya. Hours and hours past... hmmm. I think yung continuation next time na. ^^,

Sunday, November 8, 2009

Retreat Last October 26-27 2009

Alas singko na ng umaga nung magising ako nung October 26, 2009. Ewan ko huh, honestly saying *nosebleed*, hindi ako excited. Kasi kung excited ako mga alas-tres pa lang dapat gising na ako! Haha! Well, truelalu talaga yun. Ayos na yung gamit ko, kaya pagdating nang alas-sais (call time namin talaga is 6:00 am) lumarga na ako papuntang school. Nakasabay ko pa yung ibang kaklse ko na mukang... well mag-iibang bansa. Pagdating namin dun, kalat-kalat lahat ng 4th year sa labas ng gate kasi hinihintay pa daw yung bus. Kaya pumunta akop dun sa bahay ng kaklse ko na nagngangalang Hannah *'oha! special mention tsong!*, para kunin ang aking kariman sa binili niya sa Mini Stop, hindi na kasi ako nag-agahan eh. AT alam niyo ba? (hindi), na yung kariman na yun ay...ay... hindi ko pa nababayaran hanggang ngayon! Ahahaha... ang lupet noh?! Ewan ko, hindi na niya ako siningil eh. Ngayon ko ngal ang ulet naalala eh! ^^,
Maya-maya nakumpleto na ang buong 4th year. Madami kami ah! Ang bilang namin ay tumataginting na... *tentenenen!* Beinte Tres o 23. Ang konti no? Konti talaga kami eh! Dumating na rin yung bus kaya... nag-unahan kaming makasakay! Weet! Haha! At ayun, sa right side kami ng bus at ang katabi ko ay si... *tentenenen!* special mention ulit! Hannah! Hahaha... at ayun, kinain ko na yung kariman ko tsaka ako nag-soundtrip kaya... hindi ko na namalayan yung pinaggagawa nung iba kong classmate! Basta alam ko nag-food trip sila...tapos... hmmm... ano pa ba? Ay oo! Sumayaw si Toto sa pole nung bus! haha... after that.. *fastforward na kasi may earphone na nakasaksak sa tenga ko* dumating na kami sa Tagaytay! At...at... dumating na kami sa Tagaste Retreat House!



(note: uwian na yang picture na yan! hahaha!)
Ayun, elibs talaga kasi... super laki! Pagdating namin sinalubong kami ng mga Madre na talaga namang... mahinhin. *sshhh*. Eh syempre mga *ehem!* sabik sa picturan kaya nagpasimula na at naghasik na ng lagim ang aking mga kamag-aral! *wow! lalim ah!*. Share pa ako ng pics huh?


Ayun! Picture agad... ako yung..hmmm... paano ko ba ididiscribe? Dami kasi namin eh! Ako nung nasa right side yung naka-peace sign ang dalawang kamy at may pink na panyo! Ako yun! Artista nuh? Haha... Wareber! That morning may nagustuhan akong pic na ang cute naman talaga! Pinaka-favorite pic ko toh! ^^,


(pangalanan na natin. from left to right. suzette, ako, anajanette, hannah, maica(nakatayo), gladys, Jeje(nakatayo), Bogsi, Julie at Mark.)
After ng walang kamatayang picturan *hindi ko maise-share lahat dito*, pinapasok na kami sa isang dark room... este... room. Room na may chairs! Malamang! Ahahaha... Dun nagkaroon ng orientation at pinaliwanag yung rules... oras ng *ehem* pagkain..pagtulog... yung mga ganun. Yung Retreat Master namin wala pa daw, akala daw kasi kinabukasan pa kami. Ayun, after nung orientation nagkaroon ng gala mode. Pero, sabi ni Ma'am Olive(Guidance Councilor namin), ipagpatuloy daw namin yung Journal namin. Parang diary namin for 2 days. Kaya... gala mode na! Paglabas namin... siyempre yung field ang sumalubong samin! Pero, dahil hindi naman kami pinagbawalan na hanggang sa likod eh magkagala kami... ayun! Lahat ng susuotan sinuotan na namin! Hahaha... sa left side ksi nung house meron pang daanan. Eh, siyempre kami mga scientist at mahilig magdiscover pumunta kami dun. May mga kubo... may mga... wooden chairs... meron pa nga dun may mga nakasabit-sabit pa na parang...tali kahit hindi naman. Cute nga eh! Hanggang sa narating namin ang...

Mt. Carmel Garden... pero dahil ulit sa kami ay dakilang scientist. Hindi muna kami pumasok diyan at sinabi naming..."Balikan na lang natin". DAhil may nakikita parin kaming daanan bukod dito sa Mt. Carmel. Mayroon pang pababa na daanan na pinuntahan naman namin. May nakita kaming Imahe at pagkalagpas nun ay may... gate na naman at... bahay yata yun. Umikot kami para bumalik, pero sa right side... may isa pang malaking building na... tingin ko eh bahay ng mga madre. Dahil ulit sa kami ay scientist... lumakad ako este kami papunta dun... *kasama ko si Hannah at Maica*... kaya lang...kaya lang... hindi na daw pumasok dun ang mga nagre-retreat. Pagikot ko ulit ay may nakita ako este kaming... *tentenenen!* "RESTRICTED AREA". Oh! Restricted Area daw! Alam mo meaning nun kaya wag kanang makulit at tanggalin mo na yang scientist effect mo! Ako naman...eh masunurin kaya... bumalik na ako sa...*tentenenen!* Mt. Carmel Garden! Ang daming magagandang pwesto dun! Hindi ko nga mapili kung saan ako magiistay eh! Haha... pero, dahil ako'y isang tao na seryoso sa pagsusulat... *oha! hindi na scientist!* pinili kong mapag-isa dito sa lugar na ito.

Hindi ako EMO ah?! Nyahahah... at itong picture na ito ay! Stolen! nyehehe... kinuhanan ako ng adviser namin si Ms. Jen. Nyahahah... dahil ako'y masyado ng masaya mahaba na ang aking nata-type! Dahil jan... may continuation pa! Bukas... haha!

Tuesday, July 14, 2009

Ayoko na.

Nagpost ako dito sa blog ko noong June 30, 2009.
Nabasa ng halos lahat ng TNT.
Pero wala parin.

Pinahalagahan ko. Sabi ko hindi ako susuko.
Sabi ko bubuuin ko to.
SABI KO MAY TNT parin.

Hanggang salita na lang siguro yon.

Hindi ko alam yung gagawin ko eh.
Kinausap ko na sila.
Dinaan sa blog. Sinabi sa kanila ng personal.

Nangako sila.
NA konting time daw.
Nangako sila na bubuuin nila ulit ang TNT.

SILA na lang naman yung kulang eh.
Oo, kahit sabihin mong hindi sila sumama sa galaan.
Pero yung parang walang tropang nabuo sa loob ng room namin ngayon?
Ewan ko na lang.
Yung tuwing recess hindi kami nagkakasama.
Alam mo yun?


Siguro nga nagkaroon na ng mga kanya-kanyang buhay ang bawat isa sa amin.
Palibhasa ako, pakiramdam ko.
TNT ang bumubuo ng araw ko.
Ang nagbibigay ngiti sa labi ko.

Para sa kanila?
Ewan ko lang.
Baka hindi ganun eh.
BAka para sa kanila ang TNT ay tropang nagdaan.
Napaglipasan ng araw.

Sabi ko sa lahat ng miyembro ng TNT na nagtatanong kung
"MAY TNT PABA?"
Ipinapangako ko, meron pa.
Bubuuin ko. Ibabalik ko.

Para sa inyo na umasa sa sinabi ko.
"SORRY".
Hindi ko na kaya eh...

Hanggang kelan na lang ako maghinitay?
Hanggang maubos na ang lahat ng kalendaryo?

Isa lang naman ang hinihingi ko eh,
BALANCE.

So ngayon masasabi ko na.
Ayoko na. Suko na ko.


-V. President ng TNT
ako. ERNA MAE BARROSO.
i'm RESIGNING!


wala na nga sigurong
TNT....
(i'm teary eyed while typing this)
='(

Sunday, July 5, 2009

teka, teka. Anu bang meron sa ulan?


Wala lang. Kasi ang ulan para sakin, panahon ng pag-iisip. Pagmu-munimuni. Pagsesenti. Soundtrip. Masarap magsariwa ng memories pag naulan.
Nung second day of exams, July 2. Umuwi ako ng maaga, kasi wala akong payong. Nagdidilim na kasi, pagsakay ko ng jeep naambon na. Sa isip-isip ko okey lang, ambon pa lang naman eh. Habang naambon. Nagsenti na rin ako. Soundtrip, kung anong kanta? ONE LAST SONG ng A1. Soooooooper, senti mode habang nakatingin sa daanan. ang dami kong naalala. Sana nababalikan yun noh?

Pagdating ko ng high way, hindi ko inaasahan. Biglang bumuhos ng malaks yung ulan, tapos nagbago pa ng ruta yung driver. So, bumaba ako at lumipat ng jeep.(Pero binalik niya pamasahe ko.) . Paglipat ko sa kabilang jeep, hindi na ko nakapag-soundtrip kasi nagaalala na ko sa ulan. Pumara na ko, no choice eh. Pagbaba ko takbo agad ako para makasilong. Lumakad ako sa gilid para hindi ako mabasa. Naghintay ako siguro mga 60 seconds lang. Mainipin kasi ako. MEDYO as in MEDYO humina yung ulan. Tumawid ako pero natakbo parin. Pagdating sa kanto namin, tumigil ulit ako kasi basang basa na ako. Tiyempo, may konti. konti lang naman ng baha dun. Kaya pa naman ng hills ko yun so, nagdecide na ko.


Tumakbo ako! Pagtakbo ko "BAG!". May nakabangga ako ng lalaking naka-red na jersey, maputi siya. Sa sobrang gulat nahawakan niya ko sa balikat, napahawak din ako sa kanya. (Akala ko nga tatalsik siya! haha). Tapos nag-sorry siya. Tumango lang ako kasi naulan eh! Tumakbo na ulit ako. Pero, hindi ko nakita yung muka niya. Hindi ko na siya nilingon kasi.. kasi.. NAULAN.

Cannot Move On.

Last Friday, meron akong nakasabay sa baby bus. Actually, hindi siya iisa mga, hmmm...

Pito yata sila, akala ko nga pa nga dancers yung ibang lalake dun, muka lang pala. Hehe..
Agaw sila ng pansin nung pagkasakay pa lang nila. Alam mo kung ano yung sinisigaw? "Miss na nakamini skirt ang ganda mo! AyLabyu!"
Tapos nagalit yung isang babaeong tropa nila na bumanat ng... "Gago ka, pinagpalit mo ko eh magkalapit pa lang tayo". Sila pala. Haha.. Pero infairness hindi sila nagbreak! ahahaha...
Yung isang lalaki dun naging instant konduktor din, todo trip. Ang ingay nila.
Nung mga panahon na yun, gusto ko lang silang panoorin. Bumaba kami sa SM Bacoor, dun din sila bumaba. ang iingay pa rin. As usual, nakakatuwa. Ang sarap nila sundan, ang sarap nilang pagmasdan.
"KASI MAY NAAALALA AKO... SINO? KAMI."

Tuesday, June 30, 2009

i'M SO DISAPPOINTED.

I do care about TNT. I love how we(TNT) bond together. I Like the way we all laugh and get clumsy whenever we're serious or not. I really love the persons behind this "tropa" named TNT...

Dati lang naalala ko, pag nagko-comment kami sa isa't-isa(kaming magto-tropa) laging may nakasabit na "TNT 4ever". Pero nasan na yun? Nasan na yung pagsasama namin tuwing recess? Yung pag-aasaran namin tuwing walang teacher sa room? Yung pagbabalak namin kung saan gagala at kelan? Yung paggala namin sa plaza na may halong kulitan, tawanan at kodakan? Nasan na yung pagiging sandigan namin sa isa't-isa lalo na pag ang isa sa amin problemado? AT higit sa LAHAT. Nasan na yung mga TAONG NASA LIKOD NG T.N.T?????

Nagsimula nung THIRD YEAR HIGH SCHOOL ang sa
mahan namin. Nagsimula sa paggala sa bayan. Sa sama-samang pagkain sa canteen na may mga cellphone na hawak. Nagsimula kami ng walang pangalan pero may pakikisama. Ang paborito naming gawin? Yung TNT MOMENTS na gustong-gusto naming i-capture through cameras. Pati sa CAT kami ung magkakasama. Hanggang sa na-isip namin na maging OFFICIAL TROPA kami. Nag-isip kami ng pangngalan. At duon nabuo ang TNT na binigyang kahulugan ng aming minamahal na Presidente na The Naughty Times. Pumayag ako kahit na baduy na baduy ako sa pangngalan. Hanggang sa naisip namin yung Tropang Never Tumahimik. Pero, hindi rin nasunod. Basta ang alam namin TNT kami. Naging masaya kami sa piling ng bawat isa. Naging suportado namin ang nararamdaman ng bawat isa. Pero pinapagalitan din namin ang isa't isa kung nagpapakatanga na ang ilan sa pag-ibig. Ayaw naming may nasasaktan. Ganon kami ganon ang TNT. Nagkaroon ng gala sa MOA, sa AGUINALDO SHRINE, sa SM, sa ETERNITY, sa bahay ng isa samin, sa palengke ng IMUS, sa LOTUS, sa I.I., at higit sa lahat sa plaza. Madami ng nagkatampuhan samin. Pero naayos din. Kasi yun ang pangako ko. Kung may problema. Mas maiging ayusin agad. Kasi pinapahalagahan ko tong tropa namin. Kahit summer vacation kami. Nagkikita-kita parin kahit na aaminin kong may kulang na miyembro. Yun kami noon. Ganito kami ngayon.

Excited akong mag-4th year nun. Halos gusto kong bumili
s ang araw. Pero nang tumuntong na kami sa 4th year, NAGBAGO ang LAHAT. Nawala yung pagsasama namin sa canteen, yung kulitan namin tuwing walang teacher, yung galaan sa plaza after class, at nagkakaroon ng hidwaan ang mga miyembro. Parang nakalimutan nila yung tropang nabuo nung third year namin na nagngangalang TNT.
Kung merong mang mga TNT jan, o TNT noon na nagba
basa. I'm not pertaining only to 2 persons or even 3. Lahat kayo nagbago. Merong masyadong busy sa pananalamin, merong busy sa pag-aaral, merong busy sa pagkain, merong busy sa pagsusulat, merong busy sa pagdaldal, merong busy sa pagyayabang, merong busy sa kaartehan, merong busy sa pagtahimik sa isang tabi, merong busy sa pagbabasa, merong busy sa pag-ibig at higit sa lahat, merong busy ang mga puso't isip na hindi namamalayang may naghihintay sa likod nila na nagsasabing

"SANA MAY TNT PA...."




Pinahahalagahan ko ang TNT.
Ayokong mawala na lang ito ng parang bula.
Kung kelangan niyo ng oras. Sige.
Pero sana madaliin kasi baka bukas makalawa,
hindi na tayo magkakakilala.
Kung ngayon pa nga lang,
nakakalimot na kayo.
Pano pa kaya pag mga college na tayo?

Nakakalungkot.
;(